Pinagpapatuloy ngayong araw ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pasado alas-9 ng umaga nang magsimula ang pre-trial conference ng miyembro ng house prosecution panel at private prosecutors.
Ayon kay Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., dalawa sa apat na articles of impeachment na lang ang tatalakayin nila ngayong araw dahil natapos na ang dalawa noong nakaraang Huwebes.
Sinabi ni Bantug na sisikapin nilang matapos na ngayong araw ang pre-trial conference at pagkatapos nito ay sisimulan na ang pag-draft ng pre-trial order.
Target ng impeachment court na ilabas ang pre-trial order sa Huwebes, June 25.