Itinanggi ni Impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. na nagkainitan ang mga abogado ng defense at presecution panel sa pre-trial conference para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Bantug, kapag nasa iisang kwarto ang mga abogado ay inaasahan na ang pagkakaroon ng palitan ng mga salita at argumento pero wala namang nangyaring unusual o hindi inaasahan.
Pinabulaanan din ni Bantug ang mga kumalat na impormasyong nilamon umano ng defense team ang prosecution panel sa naging unang araw ng pre-trial conference noong Huwebes, June 18.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pre-trial conference para sa impeachment trial.
Sinabi ni Bantug na nilalatag lang nila ang mga ebidensya at mga testigo na iprepresenta sa mismong paglilitis.
Wala naman aniyang ebidensya o testigo na natanggal sa pre-trial conference dahil pagdedesisyunan ito sa mismong impeachment trial.