Nagpasalamat si Senador Ping Lacson sa pagbabalik-bansa ng 24 na Pilipinong nakulong sa Russia sa loob ng siyam na buwan, matapos personal na idulog ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang kaso kay Russian President Vladimir Putin ng Russia.
Ayon kay Lacson, ang paglaya ng 24 na Pilipino ay isa sa pinakamahalagang tagumpay ng kamakailang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Russia.
Dumating ang 24 na repatriated na Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa dalawang batch mula sa Bangkok, Thailand.
Batay sa mga ulat, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isinagawa ang repatriation sa pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Russia, sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Nitong Huwebes, sinabi ni Pangulong Marcos na pinahintulutan ni Putin ang pagpapalaya sa 24 na Pilipino, na nagtatrabaho bilang mga tagalinis sa Russia at nakulong dahil sa mga usaping may kaugnayan sa imigrasyon matapos mabiktima ng mga illegal recruiter.