Photo courtesy of National Housing Authority
Personal na binisita at sinuri ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang Dreamville Resettlement Project sa Barangay Kapatan, Glan, Sarangani matapos ang malakas na lindol sa lugar.
Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang kalagayan at katatagan ng mga bahay at iba pang pasilidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Nakipagpulong din ang mga opisyal sa ilang apektadong pamilya upang alamin ang kanilang mga pangangailangan at mga posibleng karagdagang tulong.
Nauna nang namahagi ang NHA ng ayuda sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program.
Umabot sa P49.2 milyon ang naipagkaloob na tulong pinansyal sa 1,640 pamilyang naapektuhan sa General Santos City at Glan, Sarangani.