Photo courtesy of DPWH
Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad tatapusin ang mga nakatenggang infrastructure project sa Naga City.
Sa pagbisita ni Public Works Secretary Vince Dizon sa Naga City, ininspeksyon niya ang Mabolo-Almeda Bypass Road na halos limang taon nang hindi natatapos,
Ayon sa kalihim, target ng DPWH na makumpleto ang proyekto sa unang quarter ng 2027.
‘Yan ay upang magsilbing alternatibong ruta ng mga motorista at mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod.
Ayon sa ahensya, mahalaga ang bypass road dahil ginagamit ang rutang ito ng mga biyaheng patungo sa iba’t ibang bahagi ng Bicol, Visayas, at Mindanao.