Nakapagpalabas na ng mahigit ₱9.11 bilyong tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mahigit 1.8 milyong transport workers sa buong bansa.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, naipamahagi ang ayuda hanggang Hunyo 19 sa ilalim ng Special Cash Relief Assistance Program.
Pinakamarami sa mga nakatanggap ang mga tricycle driver, na umabot sa mahigit ₱1.1 milyon.
Nabigyan din ng tig-₱5,000 ayuda ang mga jeepney driver, TNVS driver, motorcycle taxi rider, at delivery service driver.
Magpapatuloy ang payout operations ng DSWD hanggang Hunyo 30 upang maserbisyuhan ang natitirang mga benepisyaryo.