Dinaluhan ni Presidential Peace Adviser Secretary Mel Senen Sarmiento ang turnover at groundbreaking ceremonies ng mga proyektong kalsada at tulay na pinondohan sa ilalim ng PAyapa at MAsagaNAng PamayaNAn (PAMANA) Program sa Maslog, Eastern Samar.
Isinagawa rin ang groundbreaking ceremony para sa isang bagong kalsada sa Catubig, Northern Samar, ang kauna-unahang PAMANA project sa nasabing bayan. Kapag natapos, inaasahang magbibigay ito ng mas ligtas at mas maayos na paglalakbay para sa mga Catubignon, lalo na sa mga magsasaka, estudyante, at iba pang residente.
Ayon sa OPAPRU, higit pa sa imprastraktura ang kahulugan ng mga proyektong ito dahil sumasagisag ang mga ito sa patuloy na pagtupad ng pambansang pamahalaan sa layuning isulong ang napapanatiling kaunlaran at tunay na kapayapaan sa mga komunidad na apektado o nanganganib maapektuhan ng armadong tunggalian.
Sa pamamagitan ng PAMANA Program, patuloy na pinagtitibay ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang konektibidad ng mga komunidad, pagpapabuti ng access sa mga pangunahing serbisyo, at pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kapayapaan at pag-unlad ng ekonomiya. | ulat ni Penelope Pomida, RP Borongan
📸 PAMANA




