Naglagay na ng Water Desalination Machine ang mga kawani ng Coast Guard District Southeastern Mindanao sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental na isa sa mga lubhang apektado ng Magnitude 7.8 na lindol.
Sa pahayag ng Coast Guard District sa Davao Region, sinabi nito na inilagay ng mga personahe ng Coast Guard Station Davao Occidental ang nasabing makina sa Barangay Balangonan sa nasabing bayan upang makabigay ng malinis na tubig sa mga residente.
Ayon sa ahensya layunin ng makina na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa malinis na tubig matapos itong nagkaproblema dahil sa nasabing pagyanig.
Bahagi ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) ng Philippine Coast Guard ang nasabing hakbang kung saan patuloy silang magbibigay ng tulong at hindi iiwan ang mga komunidad hanggang sa tuluyan na itong makabangon mula sa nasabing kalamidad.
📸 CGDSEM
