Mahigpit na binabantayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang galaw ng bagyong Francisco.
Ito ayon sa NDRRMC ay bagaman mababa ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo na ngayon ay nasa typhoon category na.
Dahil dito, nananatili sa Blue ang antas ng alerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center bilang paghahanda sa banta ng bagyo partikular na sa ilang bahagi ng Luzon.
Bukod sa paghahanda sa bagyo, sinabi ng NDRRMC na nananatili rin ang naturang alert status dahil sa nagpapatuloy na response operations at monitoring sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani
Dahil dito, inatasan ang concerned government agencies at Regional DRRM Councils na ipagpatuloy ang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan, magsagawa ng mga kinakailangang paghahanda at magsumite ng regular na ulat sa NDRRMOC.
Mananatili ring aktibo ang Virtual Emergency Operations Center bilang pangunahing mekanismo ng koordinasyon at komunikasyon ng mga ahensya ng pamahalaan.