Nasa 99.81 percent nang kumpleto ng Departmrnt of Energy (DOE) ang pababalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar sa Mindanao na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, katumbas ito ng isang milyong kabahayan sa buong MIndanao. Ang natitira namang hindi pa nababalik ang kuryente ay mga consumer sa ilalim ng franchise area ng SOCOTECO II na patuloy namang inaayos ng Task Force Kapatid at iba pang electric cooperatives.
Sa ngayon lahat naman aniya ng mga ospital sa Mindanao ay may suplay na ng kuryente.
Ang matagumpay namang pagbabalik ng suplay ng kuryente ay patunay ng dedikasyon ng sektor ng enerhiya na makapagbigay ng tamang serbisyo sa publiko alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.