Global spotlight para sa lalawigan ng Albay ang mapili bilang lokasyon ng isang nalalapit na international music video production ng Birdy Production Co., Ltd. at Sony Music Taiwan.
Ayon sa Albay Provincial Information Office, isinagawa ang filming activities sa mga bayan ng Daraga at Camalig, gayundin sa Legazpi City, kung saan tampok ang mga magagandang tanawin at cultural attractions ng lalawigan para sa pandaigdigang audience.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalakas ng film tourism ng Albay at sa pagpapataas ng visibility ng mga lokal na destinasyon sa pamamagitan ng global media exposure.
Pinangangasiwaan ang produksyon sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism Regional Office V, Provincial Tourism, Culture and Arts Office, at mga lokal na pamahalaan ng Legazpi, Camalig, at Daraga.
Ayon sa mga organizer, ipinakikita ng proyektong ito ang lumalaking atraksyon ng Albay bilang lokasyon para sa mga international creative productions at higit pang nagpapatibay sa posisyon nito bilang gateway sa likas na kagandahan at mayamang kultura ng rehiyong Bicol.
Sa kabila ng magandang tanawin ng bulkang Mayon, nananatiling ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan dahil sa nagpapatuloy na aktibidad nito.
📷Albay Provincial Tourism Culture and Arts Office



