Bukod sa Psychosocial Support, ay nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSW sa mga estudyanteng biktima ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon sa DSWD Field Office 8 o Eastern Visayas, matapos ang isinagawang assessment ay iniabot nito ang ₱100,000 financial assistance para sa siyam na sugatang mag-aaral na kasalukuyang nagpapagamot sa iba’t ibang ospital sa lungsod.
May apat pang estudyante na nakatakdang makatanggap ng kaukulang intervention sa mga susunod na araw.

Tiniyak din ng ahensya ang pagbibigay ng burial assistance sa pamilya ng mga nasawing mag-aaral.
Bukod dito, magsasagawa rin ang DSWD at City Social Welfare and Development Office ng case conference para matukoy ang angkop na intervention para sa dalawang menor de edad na suspek.
Una na ring nagpaabot ng pakikiramay si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan para matulungan ang mga biktima na unti-unting makabangon mula sa trahedya.
