Mariing kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong estudyante at pagkasugat ng iba pa.
Sa isang pahayag, iginiit ng DILG na walang mag-aaral, guro, o school personnel ang dapat matakot para sa kanilang kaligtasan sa loob ng paaralan na dapat ay ligtas na lugar para sa pagkatuto.
Kaugnay nito, inatasan na ng DILG ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon at makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan para repasuhin at palakasin ang mga security measures sa mga paaralan.
Tiniyak din ng DILG ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan para matiyak na mananatiling ligtas at maayos na lugar ng pag-aaral ang mga eskwelahan sa bansa.
“We stand in solidarity with the victims, their families, and the entire school community during this difficult time. The DILG remains committed to working with all concerned agencies and local governments to help ensure that our schools remain safe, secure, and conducive environments for learning.”