Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumugon sa mga lokal na pamahalaang posibleg maapektuhan ng Bagyong Francisco.
Ayon sa DSWD, may nakapreposisyon nang 96,431 family food packs (FFPs) at 18,134 non-food items (NFIs) sa mga warehouse nito sa Cagayan Valley, para matiyak ang mabilis na paghahatid ng ayuda kung kinakailangan.
Tiniyak din ng DSWD na patuloy itong nakatutok sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis at maayos na disaster response.