Aktibo na ang heightened alert status ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng epekto ng Bayong Francisco sa bansa.
Sa panayam ng programang BOSES kay PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, kasado na ang mga paghahanda ng operating units ng PCG partikular sa Northeastern Luzon na siyang direktang tatamaan ng bagyo.
Nakakalat na rin ang deployable response groups ng PCG maging ang kanilang floating assets at radio communications group upang agad na makatugon sa oras ng sakuna at pangangailangan at maibigay ang nararapat na humanitarian response.
Mahigpit na rin ang isinasagawang monitoring ng PCG sa apat na pantalan sa bansa na direktang maaapektuhan ng bagyo partikular ang Itbayat, Basco, Ivana at Sta. Ana.