Photo courtesy of DOLE
Mahigit 15,000 transport workers na ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan bilang ayuda sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) umabot na sa 15,044 na benepisyaryo ang nabigyan ng higit P56.3 milyong halaga ng ayuda sa ilalim ng TUPAD-Tuloy PasadA program na inilunsad noong Abril ngayong taon.
Sa pakikipagtulungan ng DOTR at LTFRB, nagbibigay ang programa ng pansamantalang trabaho at suportang pinansyal sa mga drayber at iba pang transport workers na apektado ng mataas na presyo ng gasolina.
Ayon sa DOLE, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mas maraming transport workers na naapektuhan ng mga pandaigdigang kaganapan sa ekonomiya, habang sinusuportahan din ang mahahalagang serbisyo sa transportasyon para sa publiko.