Photo courtesy of National Food Authority
Nagpadala ng karagdagang 300 sako ng bigas ang National Food Authority (NFA) Davao del Sur bilang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol noong June 8.
Ipinagkaloob ng NFA ang suplay ng bigas sa Office of Civil Defense sa Region XI para sa relief at emergency food assistance.
Bahagi ito ng kabuuang 1,356 sako ng bigas na inaprubahang ilabas para sa mga apektadong komunidad.
Makakatanggap ng ayuda ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Davao Occidental upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain habang nagpapatuloy ang kanilang pagbangon.
Ayon sa NFA, nakahanda ang sapat at de kalidad na suplay ng bigas sa kanilang mga bodega upang masuportahan ang pangangailangan ng bansa sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.