Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ang ginawang paggawad ng financial assistance para sa programang “Bawat Bayan Makikinabang” sa South Cotabato Sports and Cultural Complex, Koranadal City sa South Cotabato.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang bawat barangay ng ₱200,000 mula sa Socio-Civic Project Fund ng SCPF kung saan hahatiin ito sa ₱100,000 para sa scholarship program at ₱100,000 para sa mga prayoridad na programang pangkaunlaran ng barangay na pipiliin mismo ng mga opisyal at residente batay sa kanilang pangangailangan. Saklaw ng programa ang mahigit 200 barangay sa South Cotabato, kung saan inaasahang makikinabang ang 1,000 college scholars. Bawat iskolar ay makatatanggap ng ₱20,000, na may prayoridad sa mga estudyanteng nakatakdang magtapos sa taong 2027. Aabot sa ₱40 milyon ang inilaan para sa South Cotabato habang ₱96 milyon naman ang nakalaan para sa 418 barangay sa Cotabato Province.
Layunin ng programa na suportahan ang edukasyon at pondohan ang mga proyektong makatutugon sa mga pangunahing pangangailangan at development priorities ng bawat barangay.