Photo courtesy of Protección Civil Venezuela
Halos pumalo na sa 1,000 katao ang nasawi habang patuloy ang rescue efforts sa mga survivors sanhi ng dalawang lindol na tumama sa Venezuela kamakailan.
Patuloy ang search and rescue operations para sa mga maaaring survivors na naipit sa mga gumuhong gusali.
Bagama’t parating na ang mga tulong na pagkain, inuming tubig at iba pang mga kagamitan lulan ng mga relief convoys at karagdagang rescue teams mula sa iba’t ibang bansa, nahihirapan makarating ang mga ito sa mga hardest hit ng lindol dahil sa mga nasirang imprastraktura gaya ng tarmac sa Caracas International Airport.
Sa panayam ng CNN kay Venezuelan Country Director ng International Rescue Committee, Nicole Kast, sinusubukan ng IRC na gamitin ang iba pang paliparan at alternatibong ruta sa Venezuela upang makarating ang relief convoys at international rescue teams sa lubhang naapektuhan ng lindol.
Matatandaang tumama ang magkasunod 7.2 at 7.5 magnitude na lindol sa Venezuela na tintuturing na pinakamalakas na earthquake sa loob ng isang daang taong sa nasabing bansa.