📸 DOE
Mas pinalalakas pa ng Pilipinas ang renewable energy sector nito matapos saksihan ng Department of Energy (DOE) ang paglagda sa isang investment agreement para sa 422-megawatt peak (MWp) Solar-on-Water Projects sa Negros Occidental at Pampanga.
Pinangunahan ni Energy Secretary Sharon Garin, kasama si Vietnam Ambassador Lai Thai Binh, ang pagsaksi sa kasunduan sa pagitan ng SunAsia Energy Inc. at VinEnergo para sa pagpapatayo ng mga floating solar project.
Ayon kay Garin, patunay ang kasunduang ito ng lumalakas na kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa renewable energy sector ng bansa.
Aniya, magkaugnay ang sustainability at economic growth dahil nakatutulong ang mga makabagong proyekto sa pagpapalakas ng energy security, paglikha ng trabaho, at pagsuporta sa pangmatagalang kaunlaran ng ekonomiya.
Tiniyak naman ng DOE na patuloy ito sa pag-akit ng mga pamumuhunan na magpapabilis sa energy transition ng bansa tungo sa mas ligtas, malinis, at sustainable energy future para sa mga Pilipino.