Aktibo nang kumikilos ang lahat ng United Nations (UN)-affiliated agencies sa buong mundo upang rumesponde sa sinapit na trahedya ng Venezuela bunsod ng magkasunod na malalakas na lindol.
Base sa inisyal na tala ng United Nations, posibleng pumalo sa mahigit anim na milyong katao ang apektado ng kambal na lindol sa Venezuela.
Ayon kay United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs Deputy Spokesperson Jens Laerke, naka-deploy na ang lahat ng humanitarian assistance na maibabahagi ng international community, kung saan prayoridad ang search and rescue operations.
Sa ngayon, patuloy pa ang humanitarian mobilization upang tulungan ang Venezuela na makabangon mula sa sinapit nitong sakuna.