Isa sa mga itinuturing ngayong pinakamalaking hamon sa Venezuela ang suliranin nito pagdating sa healthcare system, na labis ding naapektuhan ng magkasunod na lindol at ng serye ng mga aftershock sa Venezuela.
Ayon kay Pan American Health Organization Health Emergencies Director Dr. Ciro Ugarte, hindi lang mga healthcare workers ang naapektuhan ng lindol, kundi malaki rin ang natamong pinsala sa mga healthcare facilities, maging sa kakulangan ng medical supplies.
Kaya naman panawagan ni Dr. Ugarte sa mga bansang nais magpaabot ng tulong na isaalang-alang din ang pagmomobilisa ng mga health team at pagpapadala ng mga medical supplies upang agad na matugunan ang mga sugatan at mga buhay na maaari pang isalba matapos ang malakas na lindol.