Nakipagpulong si Finance Secretary at Investment Czar Frederick Go sa mga kinatawan ng Philippine Business Club Indonesia (PBCI), PT Satelit Nusantara Lima (SNL), at We Are IT Philippines (WIT) upang talakayin ang mga bagong oportunidad sa teknolohiya at pamumuhunan.
Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ng delegasyon ang pinakahuling update ukol sa SNL-N5 satellite, na kasalukuyan nang nasa commercial operations.
Ang satellite na ito, na gawa ng Boeing, ay idinisenyo upang maghatid ng maaasahan at mabilis na broadband connectivity na malaki ang maitutulong sa mga Pilipino.
Bukod dito, tinalakay din ang mga potensyal na pakikipagtulungan ng dalawang bansa.
Kabilang dito ang mga inisyatiba para sa knowledge-sharing sa space technology para sa mga mag-aaral at unibersidad sa Pilipinas, pati na rin ang posibleng kolaborasyon ng Indonesia at Pilipinas sa mga susunod na satellite launch.
Dumalo sa pagpupulong sina Antonio Capati (Chairman, PBCI), Adi Rahman Adiwoso (President at Founder, PSN), Agus Budi Tjahjono (President Director, SNL), at Boggs Pimentel (Director, WIT).