Photo courtesy of Sec. Mel Senen Sarmiento FB
Pursigido ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) para sa full implementation o ganap na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Peace Adviser, Secretary Mel Senen Sarmiento, kaisa sila ng Bangsamoro sa pagtataguyod ng mapayapa, matatag at maunlad na rehiyon.
Dagdag pa ni Sarmiento, sa gitna ng mga hamong kanilang kinahaharap, patuloy ang kanilang pagsusumikap na mahigitan pa ang mga naging tagumpay ng kanilang peace-building efforts.
Kabilang na rito ang karagdagang pondo para sa inilatag nilang peace priorities sa 2027 national budget para tiyaking maisusulong ang mga kinakailangang hakbang para sa matatag na Bangsamoro Government.
Habang hinihintay ang bagong Chairman ng Government Peace Panel, sinabi ni Sarmiento na siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang hindi mabalam ang mga plano habang papalapit na rin ang kauna-unahang Parliamentary elections sa BARMM.
