Binisita ng mga imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pamilya ng nasawing Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia sa Agusan Del Sur.
Bahagi ito ng nagapatuloy na imbestigasyon at case build-up sa nangyaring insidente ng pagkalunod nila Baterbonia, Divine Adili, at iba pa habang nagsasagawa ng training activity sa Dipaculao, Aurora noong June 8.
Dito, kinuhanan ng sinumpaang salaysay ng CIDG ang ina ni Rene na si Ginang Rovelyn Baterbonia sa loob ng San Agustin Gymnasium sa Talacogon kasama ang abogado nitong si Atty. Kenneth Minglana.
Isasama ito sa mga documentary evidence para sa kanilang isasampang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.
