Pagmamahal at suporta ng pamilya at mga magulang sa mga kabataan, pangunahing paraan pa rin upang mailayo sila sa kultura ng karahasan
Buo ang paniniwala ni House Committee on Basic Education and Culture Chair at Pasig City Rep. Roman Romulo na pinakamahalaga pa rin ang suporta at pagmamahal ng pamilya at mga magulang para sa mga kabataan.
Kaugnay pa rin ito ng malagim na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Ani Romulo, dapat lalo pang matutukan ngayon ng mga magulang, guardian, at iba pang kaanak ang mga aktibidad ng mga kabataan at bantayan ang kanilang mental at social well-being.
Hindi umano tamang dahilan ang pagiging abala sa trabaho ng mga magulang o guardian upang mapabayaan nila ang mga pangangailangan ng mga kabataan.