Nananatili ang mahigpit na pagbabantay ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kalagayan ng ekonomiya matapos maitala ang pagbaba ng consumer confidence sa ikalawang quarter ng 2026, bunsod ng pangamba ng mga Pilipino sa pagtaas ng presyo ng pagkain at langis dahil sa sigalot sa Middle East.
Batay sa pinakahuling Consumer Expectations Survey ng BSP, inaasahan din ng maraming kabahayan ang paghina ng piso, pagtaas ng unemployment, at mas malaking gastusin sa mga pangunahing pangangailangan.
Dahil dito, mas nagiging maingat ang mga mamimili sa paggastos, paghiram, at pag-iimpok ng pera.
Sa kabila nito, sinabi ng BSP na patuloy nitong binabantayan ang epekto ng mga pandaigdigang pangyayari sa presyo ng mga bilihin at sa kabuuang ekonomiya.
Ginagamit din ng ahensya ang resulta ng Consumer Expectations Survey bilang mahalagang batayan sa pagbuo nito ng monetary policy formulation.