Binigyang-diin ni Eden Japitana, First Vice President ng Agricultural and Sustainable Development Group ng LANDBANK, na ang AgriSenso Plus Lending Program ay tugon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Sagip Saka Act.
Ayon kay Japitana, inilunsad ang programa upang matugunan ang pangangailangan sa puhunan ng mga magsasaka, hindi lamang sa isang sektor kundi sa halos lahat ng agricultural commodities sa bansa.
Hinikayat din niya ang mga magsasaka na samantalahin ang programa upang masuportahan at mapanatili ang kanilang produksyon.
Aniya, nag-aalok ang AgriSenso Plus ng mababang interes na tatlong porsiyento kada taon, at may libreng insurance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.