Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Batay sa pinakahuling datos ng DSWD, umabot na sa 650,053 Family Food Packs, 19,535 Non-Food Items, at 13,595 Ready-to-Eat Food Boxes ang naipamahagi hanggang kagabi, Hunyo 27.
Pinakamaraming ayuda ang naihatid sa SOCCSKSARGEN, na nakatanggap ng mahigit 588,000 Family Food Packs.
Sinundan ito ng Davao Region, na may higit 58,000 Family Food Packs.
May naipamahagi ring ayuda sa BARMM at Zamboanga Peninsula bilang tugon sa augmentation requests ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa DSWD, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga LGU upang matiyak ang mabilis at tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.