Nanawagan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa National Capital Region na makiisa sa Migrant Workers Health Summit sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 1.
Gaganapin ito sa Occupational Safety and Health Center, kung saan libre ang iba’t ibang medical at diagnostic services para sa mga OFWs at kanilang pamilya.
Ayon kay DMW Undersecretary Dominique Nikki Rubia Tutay, handa ring magbigay ng mga serbisyong tulad ng operasyon at pagpapaospital ang OFW Hospital sa mga mangangailangan ng agarang serbisyong medikal.
Mayroon ding psychosocial programs para sa mga anak ng OFWs at suporta para sa mga solo parent na pamilya ng mga migranteng manggagawa.