Upang mas mapalakas ang mga paghahanda sa paghagupit ng masamang panahon, nagsagawa ang DOST-PAGASA ng workshop sa mga kawani ng media patungkol sa mas makabagong paraan ng paghahatid ng ulat-panahon.
Ang dalawang araw na pagsasanay nitong weekend sa Tagaytay City ay tungkol sa bagong serbisyo ng PAGASA na Impact-Based Weather Forecasting and Early Warning System, na nakasentro sa maagang paghahatid ng impormasyon para sa maagap na aksyon ng ating mga kababayan at ng mga lokal na awtoridad.
Kung saan, matatantya na ang epekto ng bagyo sa isang lugar tatlong araw bago ang mismong pagtama nito.
Narito ang pahayag ni Thelma Cinco, PAGASA Weather Services chief.
Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Allan Francisco, mahalaga ang training sa mga kawani ng Integrated State Media, lalo na para sa Radyo Pilipinas, na nagsisilbi bilang pangunahing tagapaghatid ng impormasyon sa panahon ng kalamidad, lalo na sa malalayong mga lugar sa bansa.
Kaugnay nga niyan, inihayag din ng PAGASA na sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon ay inaasahan ang pagdating pa ng 9 to 13 na mga bagyo sa bansa hanggang sa buwan ng Disyembre, kung kailan inaasahan din ang pagtaas ng temperatura, ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Analiza Solis.
