Siniguro ni Energy Secretary Sharon Garin na magtutuloy tuloy pa ang fuel subsidy program ng pamahalaan hangang sa susunod na buwan.
Ito’y sa kabila ng napapaulat na malapit nang maubos ang pondo para rito.
Aniya, may sapat pa na pondo ang pamahalaan upang panatiliin pa ito sa mga susunod na buwan para ipagpatutoy ang programa.
Dagdag pa ng kalihim na hindi pa naman tuluyang bumaba sa dating presyo ang petrolium products kaya naman magtutuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng subsidiya para sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.