Photos courtesy of QCDRRMO
Nag-deploy ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng mga tauhan mula sa Emergency Medical Services (EMS) at Search and Rescue (SAR) para sa medical post at magbigay ng emergency response coverage sa nagpapatuloy na pagtitipon sa People Power Monument, EDSA White Plains.
Layon ng deployment na matiyak ang agarang pagkakaloob ng tulong medikal at mabilis na pagtugon sa ano mang emergency sa pagtitipon.
Samantala, nananatiling nakaantabay ang mga tauhan ng QCPD para sa ikalawang araw ng Iglesia ni Cristo (INC) rally na nagsimula ang programa kaninang 8AM.
Nag-inspeksyon na rin kanina si NCRPO Regional Director PMGEN Anthony Aberin at DRDO NCRPO PBGEN Rodel Pastor para tiyakin ang kahandaan ng mga naka-deploy na tauhan at ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad sa lugar.
Patuloy namang hinihikayat ng QCPD ang mga kalahok at publiko na sumunod sa batas at at makipagtulungan sa mga otoridad para mapanatili ang kaayusan habang isinasagawa ang pagtitipon.