Nagsasagawa na ng Case build up ang Department of justice kaugnay sa pagtakas ni Senator Ronald Dela Rosa sa Senado.
Si Dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Ayon kay Usec. Ian Bato nagsagawa na sila ng ocular inspection sa gusali ng senado noong June 30.
Patuloy din ang pagkalap pa ng ibang ebidensya kopya ng CCTV at iba pang materyales na magagamit sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Ito ay para matukoy ang pananagutan kung meron man ng mga indibidwal na posibleng naging daan o tumulong para tumakas si Dela Rosa.
Sa ngayon kailangan pa nila ng sapat na panahon para mabuo ng mga ebidensiya para malaman kung may nangyari bang sabwatan, sino sino ang dapat kasuhan at anong kaso ang posibleng ihain. | ulat ni DK Zarate