Sasalang sa Preliminary investigation Process ang kinse-anyos na children in conflict with the law na sangkot sa walang habas na pamamaril sa kanyang kamag aral sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon kay DOJ Usec. Ian Dato na inquest na sa Tacloban City Prosecutors Office noong June 24, 2026 ang nasabing estudyante na kinasuhan ng 3 counts of murder at 2 counts of attempted murder.
Sa ngayon nanatili sa rehabilitation center sa Region 8 ang kinse-anyos na CICL, gayundin ang katorse anyos na si alyas “Nash” at sumasailalim sa intervention programs ng DSWD.
Nasa korte na ang pagpapasya kung gaano sila katagal sa rehabilitation center anong klaseng intervention programs ang kailangan nilang pagdaanan. | ulat ni DK Zarate