Alas 8:30 ng gabi ay tinapos na ng Iglesia ni Cristo ang kanilang aktibidad sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Spokesperson Major Philipp Ines Untoward incident na naitala sa buong araw ng pagtitipon ng INC sa Liwasang Bonifacio.
Kanina nakita pa natin na unti-unting nag uuwian ang mga dumalo sa pagtitipon.
Malayo-layo ang kanilang nilalakad dahil ilan sa mga kalsada ay sinara tulad ng kalsada sa tapat ng Quiapo Church hanggang sa paakyat ng tulay at makarating sa Liwasang Bonifacio.
Sinabi ng ilang nangangasiwa sa event maging ng mga nangangasiwa sa sound system na hanggang ngayong gabi nalang sila at wala na kinabukasan.
Gayunman sinabi ni Major Ines sila ay mananatiling handa dahil freedom park ang Liwasang Bonifacio kung saan mananatili parin sila kung sakaling maisipan ng organizer na ituloy ang pagtitipon.
Samantala wala pang tugon ang Manila LGU kung muling sususpindihan ang pasok bukas sa pampubliko at pribadong paaralan tulad ng ginawa ngayong araw dahil sa pagtitipon ng INC sa Maynila. | ulat ni DK Zarate