MDRRMO
Patuloy na nakaantabay ang Manila Disaster Risk Reduction Office sa aktibidad ng Iglesia ni Cristo sa Maynila.
Ayon kay Manila DRRMO Director Arnel Angeles as of 4pm nasa 11,000 ang crowd estimate ng mga nagtipon sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito nag lagay ng 72 portalet ang Manila City DRRM Department sa nasabing lugar upang hindi mamaho.
Naglagay din sila ng 2 first aid station na nasa Mini garden at National Press Club at may isang nakaabang na ambulansya sa mismong lugar ng pinagdarausan ng aktibidad.
As of 5pm passable ang mga kalsada sa Liwasang Bonifacio.
Sinabi ni Manila DRRMO Director Arnel Angeles na nagkaroon ng magandang kooperasyon ang INC sa LGU.
Itinalaga ang ilang malalaking kalsada sa paligid ng Luneta Park na magsisilbing Parking Area ng mga dumalo sa aktibidad ng INC.
Ito ay upang hindi maging sagabal ang kanilang mga sasakyan sa makipot na kalsada sa Liwasang Bonifacio. ulat ni DK Zarate