Dalawampu’t dalawang benepisyaryo sa bayan ng Infanta, Pangasinan ang tumanggap ng mga proyektong pangkabuhayan sa ilalim ng Graduation Approach–DOLE Integrated Livelihood Program (GA-DILP).
Kabilang sa ipinamahaging livelihood projects para sa ikalimang batch ang 17 motorized bangka, tatlong fishing nets project, isang daing-making project, at isang mobile retailing of personal care products project.
Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Western Pangasinan Field Office katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) Infanta.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, sumailalim muna sa house-to-house validation at screening ang mga benepisyaryo upang matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga pamilyang higit na nangangailangan at naaayon sa kanilang kabuhayan.
Ayon sa DOLE, higit pa sa pagbibigay ng panandaliang suporta ang layunin ng programa. Layon nitong makapagbigay opportunidad sa mga residente na mapalago ang ipinasakamay na suporta na maaaring mapagkuhanan ng karagdagang kita at magdadala ng pag-ulad sa mga pamayanan.
📷 LGU – Infanta, Pangasinan