Dapat pantayan o higitan pa ng susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga naging tagumpay at legacy ni General Romeo Brawner Jr.
Sa sidelines ng ika-79 na anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF), sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na marami na aniyang napatunayan si Gen. Brawner sa kaniyang termino.
Gayunman, sinabi ni Teodoro na ang pagpili sa kung sino ang susunod na magiging AFP Chief ay nakasalalay lamang sa kamay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas.
Hindi naman masabi ni Teodoro kung mayroon siyang rekomendasyon mula sa mga matataas na heneral ng AFP kaya’t makabubuti ayon sa kalihim na hintayin na lamang kung sino ang mapipili ng Pangulo.
Nakatakdang magretiro si Brawner sa July 21 sa edad na 60 matapos makumpleto ang kaniyang tatlong taong termino sa ilalim ng Republic Act 11939.