Walang interest rate cut sa ngayon!
Ito ang pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. dahil nasa kasalukuyang “tightening cycle” o paghihigpit sa patakarang pananalapi ang BSP.
Matatandaang nitong nakaraang October 22, itinaas ng Monetary Board ang benchmark interest rate sa 5.50 percent—ang ikaapat na sunod-sunod na taas-interes ngayong taon.
Batay sa pagtaya ng Monetary Board, posibleng pumalo sa 8 percent ang inflation sa susunod na buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at kuryente o enerhiya.
Samantala, inamin din ni Remolona na binabantayan nila ang paghina ng piso kontra dolyar.
Paliwanag ng BSP, kapag masyadong mabilis ang pagbagsak ng piso, mas nagiging mahal ang mga inaangkat na produkto mula sa ibang bansa, na nagiging sanhi rin ng inflation.
Sa kabila nito, umaasa ang BSP na babawi at sisigla ang ekonomiya sa huling bahagi ng taon hanggang sa susunod na taon dahil sa paggastos ngayong Kapaskuhan at government spending.