Ipinagmalaki ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na nakamit na ng Pilipinas ang estado ng pagiging Upper-Middle Income Country (UMIC) ng World Bank.
Ayon kay Development Planning Secretary Arsenio Balisacan, makasaysayan ito lalo’t bunga ito ng patuloy na paglago ng ekonomiya at maayos na pamamahala.
Batay sa income assessment ng World Bank nitong Miyerkules, July 1, umabot sa $4,850 ang Gross National Income (GNI) per capita ng bansa na mas mataas sa treshold na $4,636.
Nakapag-ambag dito ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 5.8% mula 2021 hanggang 2025, ang remittance mula sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs), at ang pagiging Chair ng Pilipinas sa ASEAN ngayong taon.
Sinabi ni Balisacan na sa kabila ng mga lokal at pandaigdigang hamon, patuloy na itinataguyod ng pamahalaan ang nagkakaisang paglago na gumagabay sa pag-unlad ng bansa.