Naging mapayapa ang ikalawang araw ng aktibidad ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa EDSA People Power Monument (PPM) sa Quezon City, ganap na alas-8 kagabi.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagpapasalamat sila sa mga organizer ng aktibidad sa pagsunod sa oras na itinakda sa kanilang permit.
Bagaman lilipat na ang grupo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila matapos bawiin ang pagpapalawig sana ngayong araw ng kanilang aktibidad, nananatiling committed ang PNP sa pagbabantay para sa kaligtasan ng lahat.
Sa nakalipas aniyang dalawang araw, mahigpit na ipinatupad ng PNP ang “MAXIMUM TOLERANCE” para tiyakin ang kaligtasan ng lahat, pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan gayundin ang maayos na daloy ng trapiko.
Muling binigyang-diin ng PNP na iginagalang nila ang karapatan ng bawat isa para sa malayang pamamahayag at kanila naman itong pananatilihin hanggang sa bago nilang lugar.
Dagdag pa ng PNP chief, patuloy silang makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan para siguruhing magiging ligtas at maayos ang dispersal ng mga ito.