Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling tapat ang bawat sundalo sa Konstitusyon at sa rule of law.
Ayon sa AFP, isa silang propesyonal at non-partisan institution na nakatuon lamang sa mandato nitong ipagtanggol ang soberanya ng bansa.
Mariin ding kinondena ng AFP ang anumang pagtatangkang idamay ang organisasyon sa partisan politics at iginiit na mananatiling tapat sa konstitusyon.
Tiniyak ng AFP na patuloy nitong susuportahan ang mga lehitimong hakbang ng pamahalaan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maprotektahan ang pambansang seguridad, at mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino.