Photo courtesy of Taguig LGU
May alok ang lokal na pamahalaan ng Taguig na libreng college entrance exam review sa kanilang mga mag aaral sa lungsod.
Nasa 1,500 estudyante ang kasalukuyang naka-enrol sa Academic Competency and College Entry Support System (ACCESS) program na makakatulong sa kanila upang maging handa sa entrance exam sa anumang state colleges and universities na kanilang nais pasukan.
Ayon naman kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layon ng naturang programa na ihanda at suportahan ang bawat mag-aaral ng Taguig sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Nanawagan naman ang alkalde sa bawat mag-aaral na pagbutihin nila ito at tiniyak na susuporta ang pamahalaang lungsod sa abot ng kanilang makakaya bilang ito’y pagisismula ng kanilang pundasyon sa kanilang kinabukasan.