Dinagdagan ng Senado ang seguridad sa loob ng gusali bilang paghahanda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Monday.
Ngayong araw, naglibot si Senate Sergeant-at-Arms Ret. Police Major General Alfred Corpuz kasama ang ilang kawani ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Corpuz, magmumula sa iba’t ibang unit ng PNP ang mga ide-deploy sa loob at labas ng Senado bilang bahagi ng security measures para sa impeachment trial.
Tiniyak din ni Corpuz na handa na ang Senado at sisiguraduhin nilang magiging maayos ang lahat para sa paglilitis.
Pinaalala rin ng Senate Sergeant-at-Arms na ang mga miyembro ng publiko na nais manood ng impeachment trial ay kinakailangang magparehistro muna sa Visitors Management System (VMS). Aniya, ito ay first come, first served.
