Ibinaba na mula red alert sa heightened alert ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang buong Metro Manila matapos ang isinagawang INC rally sa Quezon city at sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo na simula alas-dose impunto ng hating gabi ay opisyal ng ibinaba sa heightend alert ang buong Metro Manila.
Ngunit hindi parin papakampante ang pulisya sa anumang banta ng kilos protesta sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila.
Siniguro naman ng NCRPO na kahit bumaba ang naturang alerto ay nakabantay parin ang kanilang hanay sakaling magkaroon muli ng ilang rally kalakhang Maynila. | via Aj Ignacio