Nilinaw ni House impeachment team adviser Representative Ace Barbers na hindi ipinagbabawal sa pangkalahatan ang pakikipagnegosyo sa China.
Ito ay matapos lumabas sa impeachment trial ang umano’y business interests ng mag-asawang Duterte-Carpio sa kumpanyang CALE88.
Giit niya, na ang isyu sa kaso ni Duterte ay ang umano’y paglabag sa pagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na magkaroon ng business o financial interests.
“ang malinaw, hindi po bawal kapagka ang kanyang kanegosyo ay pribadong kumpanya dito. Pero tandaan po natin, yung CALE88 kung saan ay merong business interest ang mag-asawang Duterte-Carpio, yan po yung pinagbabawal. Malinaw na malinaw sa Article 7, Section 13 na hindi pwedeng mag-engage sa anumang business or financial interest ang ating Pangalawang Pangulo. So yan ho ang malinaw na sa aming paniwala ay nalabag ng ating Pangalawang Pangulo. At ito nama’y sinusuportahan ng mga ebidensyang aming inilatag,” diin ni Barbers.
Samantala, naniniwala si Barbers na may mga palatandaan ng posibleng money laundering sa financial records nina Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawa.
Aniya, may mga kahina-hinalang transaksiyong natukoy ang financial expert na tumestigo sa impeachment trial.
Gayunman, ipinauubaya na nila sa kaukulang ahensya gaya ng Anti-Money Laundering Council at Bureau of Internal Revenue ang pag-iimbestiga rito.
Well, yes, base doon sa testimony ni Atty. Cabrera, there are telltale signs of possible money laundering. But of course, it is not the impeachment court that will decide this. If indeed an investigation will be pursued based on the available information, eh dapat siguro yung agencies like AMLC, BIR ang dapat pong manguna dito sa investigation,” paliwanag ni Barbers.