Inaantabayanan na ng business community ng Pilipinas ang magiging resulta ng usapin sa Bilateral Free Trade Agreement ng Pilipinas at Canada kaugnay pa rin ito ng official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay Employers’ Confederation of the Philippines o ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. isa ang Bilateral Free Trade Agreement ng Pilipinas at Canada sa pinaka-malaking highlight ng official visit ni Pangulong Marcos.
Oras kasi na maselyuhan na ito ay tiyak na lalo pang lalakas at tatatag ang trade relations ng Pilipinas at Canada at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong negosyante partikular ang mga MSME.