Muling isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang interes ng mga Pilipino sa nagpapatuloy niyang official visit sa Vancouver, partikular ang kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Canada.
“I am also glad to have witnessed today the signing of bilateral understandings and declarations of cooperation in the areas of tourism, culture, and labor and migration.” — Pangulong Marcos
Isa sa mga nilagdaang dokumento sa pagbisita ng Pangulo ang Joint Declaration of Intent on Labor and Migration.
Layunin nitong palakasin ang proteksyon para sa Filipino migrant workers sa Canada at isulong ang ethical recruitment.
Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, inaasahan ng pamahalaan ng Pilipinas na matitiyak na ang mga Pilipinong manggagawa sa Canada ay makapagtatrabaho nang ligtas, patas ang pagtrato, at napoprotektahan ang kanilang mga karapatan.
Ayon sa Pangulo, ang mga Filipino migrant workers sa Canada ang nagsisilbing pundasyon ng strategic partnership ng Pilipinas at Canada.
“They serve as the heart and soul of the Strategic Partnership between the Philippines and Canada.” — Pangulong Marcos
Upang ganap na mapakinabangan ang potensyal ng partnership na ito, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang ipagpapatuloy ng pamahalaan ng Canada ang pagtugon sa mga hadlang sa pagkilala sa credentials ng mga Pilipinong nagtapos sa Pilipinas upang makapagpraktis ng kanilang propesyon sa Canada.
“To unleash their full potential, it is essential that Filipino professionals are able to practice their professions in Canada. In this regard, I conveyed our hope that Canada’s federal and provincial governments would continue working together to address barriers to the recognition of the credentials of Philippine-educated professionals.” — Pangulong Marcos
Samantala, nalagdaan din ang iba pang kasunduan sa pagbisita ng Pangulo.
Kabilang dito ang kasunduan para sa tourism cooperation na magpapadali sa paglalakbay ng mga Pilipino at Canadian sa bansa ng isa’t isa.
Nilagdaan din ang kasunduan para sa Culture Cooperation para sa taong 2026 hanggang 2031.
Kasama rin ang Joint Declaration of Intent para sa energy and natural resource cooperation.
“These agreements will help us harness the strong people-to-people ties between our two countries, as we jointly build capacities and create a mutually beneficial talent pipeline for the future.” — Pangulong Marcos
