Inilunsad ng New Prontera Technologies Corporation, sa pamumuno nina Co-founder, product/community builder at rapid prototyping lead John Sedano, CEO at public-facing lead Jared Dillinger, at Brand Lead EL Bonuan, ang kanilang kauna-unahang early-access pilot para sa “Bagyo.App” katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Naga City nitong June 18, 2026, sa Summit Hotel upang magsilbing isang makabagong citizen reporting platform at disaster intelligence layer sa Bicol Region.
Nilagdaan ang isang Memorandum of Understanding nina Jared Dillinger at SK Federation President Hon. Jefson Romeo B. Felix, kasama ang mga chairperson ng lahat ng 27 barangay ng Naga City at mahigit 80 youth leaders, upang ipasok ang lokal na network sa isang no-cost training at kontroladong pagsasanay sa paggamit ng nasabing sistema.
Layunin ng platform na solusyunan ang malubhang problema sa pagkalat ng unverified social posts at maling impormasyon tuwing may matinding sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikatlong opsyon kung saan ang mga residente mismo ang mag-uulat ng sitwasyon sa kanilang kalsada.
Pinagsasama-sama ng desktop coordination dashboard ang mga opisyal na datos mula sa PAGASA Panahon, NOAA flood maps, at NASA wind data, kasabay ng pagsasama ng mga publicly sourced CCTV cameras at live news streams sa iisang terminal para sa mas mabilis na pagpapasya ng mga first responders at volunteer networks.
Gumagamit ang platform ng pinatatakbong AI na tinatawag na A.E.R.I.S. (Autonomous Emergency Response Intel System) upang awtomatikong mag-analisa ng mga ulat, mag-uri ng insidente, at magbigay ng gabay sa lokasyon ng pinakamalapit na evacuation center batay sa itinalagang disaster playbook.
Isinama rin sa arkitektura ng application ang blockchain technology upang lumikha ng isang transaction hash para sa bawat ulat upang magkaroon ng isang tamper-evident audit trail, habang pinoprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa pamamagitan ng zero-knowledge proofs upang maiwasan ang paglabag sa Data Privacy Act.
Bagamat ang sistemang ito ay orihinal na nabuo sa loob ng isang 72-hour development sprint noong panahon ng Super Typhoon Uwan noong November 2025, nilinaw ng pamunuan na ang kasalukuyang yugto ay isang suplementaryong sistema lamang at hindi opisyal na kapalit ng emergency dispatch o ng awtoridad ng CDRRMO at NDRRMC.
Photos: JM Olarte & Jared Dillinger





